VP Sara, nilinaw na hindi sila magkaibigan ni PBBM kasabay ng pagtiyak na hindi na muli siya makikipag-team up dito

Nilinaw ngayon ni Vice President Sara Duterte na hindi sila magkaibigan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at kahit kailan ay hindi na uli sya makikipagtambalan o team up dito katulad sa naging pagsabak nila bilang magka-tandem noong 2022 elections.

Diin ni VP Sara, nagkakilala lang sila ni PBBM dahil naging running mate sila pero bago ‘yun ay hindi naman talaga sila nag-uusap.

Ayon kay VP Duterte, ang kaibigan niya talaga at nakakakilala sa kanya ay si presidential sister Senator Imee Marcos.


Kasabay nito ay inihayag ni Vice President Sara na wala pa siyang plano para sa 2028 presidential elections at antabayanan na lang ang kanyang anunsyo sa huling quarter ng 2026.

Binanggit naman ni VP Sara na nananatili ang payo ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte na huwag siyang tumakbo sa pagkapangulo dahil mahirap ang nasabing trabaho.

Facebook Comments