VP Sara, pilit na binubulag ang publiko sa totoong impormasyon — Malacañang

Umalma si Palace Press Officer Claire Castro matapos sabihin ni Vice President Sara Duterte na nakakahiya at nakakabobong pakinggan ang mga pahayag niyang bilang tagapagsalita ng Palasyo.

Ayon kay Castro, ayaw lamang ni bise presidente na makinig ang taumbayan sa mga mensahe ng Malacañang dahil dito nakikita ng publiko ang tunay na ginagawa at programa ng pangulo.

Malinaw aniya na nais ng kampo ni VP Sara na ilayo ang publiko sa opisyal na impormasyon at umasa sa kumakalat na maling datos at naratibo ng kanilang mga kaalyado.

Binigyang-diin din ni Castro na taliwas sa ipinangangalandakan ng Office of the Vice President (OVP) na “maayos at planado” ang paggamit nila ng pondo, mismong Commission on Audit (COA) ang nakapansin ng seryosong kakulangan sa pagsunod nito sa batas at sa umiiral na guidelines.

Batay sa ulat ng COA, lumutang ang kakulangan sa mga dokumento, kawalan ng malinaw na situation reports, hindi makilalang beneficiaries, at hindi matukoy kung saan at kanino napunta ang ilang pondo ng OVP.

Sa gitna ng mga maaanghang na patutsada ni VP Sara, nanindigan ang Malacañang na ang tungkulin ng Presidential Communications Office (PCO) ay maglatag ng tapat na impormasyon at liwanag sa mga isyung may kinalaman sa paggamit ng pondo at serbisyo publiko.

Facebook Comments