VP Sara, tinanggihan ang alok ni Cong. Marcoleta na maging abogado niya sa impeachment case

Hindi tinanggap ni Vice President Sara Duterte ang alok ni Cong. Rodante Marcoleta na maging abogado niya sa impeachment trial.

Ayon kay VP Sara, bagama’t magaling na abogado si Marcoleta, mas mabuti aniyang ipagpatuloy nito ang pagiging mambabatas na mas makabubuti sa bansa.

Aniya, napaghandaan naman nila ang impeachment cases ng Kamara laban sa kaniya.


Aminado naman si VP Sara na hindi siya makakakuha ng suporta mula sa mayoryang miyembro ng Kongreso.

Facebook Comments