VP Sara, tiniyak na siya ay kaisa sa pagsusulong ng ating soberenya at pambansang interest kaunay sa isyu ng agawan ng teritoryo sa WPS

Sa kanyang pagharap sa budget hearing ng House Committee on Appropriations para sa mahigit P2 bilyong proposed 2025 budget para sa Office of the Vice President (OVP), sinagot ni Vice President Sara Duterte ang iba’t ibang isyu patungkol sa kanya.

Pangunahing binigyang diin ni Duterte na siya ay kaisa sa itinakda ng konstitusyon na pagsusulong ng isang independent foreign policy kaakibat ang pagtataguyod sa ating soberenya at pambansang interest kaugnay sa tensyon sa West Philippine Sea (WPS).

Diin pa ni Duterte, bilang isang reserve officer ng Armed Forces of the Philippines, taos-puso niyang kinikilala at pinapasalamatan ang kanilang mga sakripisyo at serbisyo para sa kapakanan ng bansa at mamamayang Pilipino.


Sa isyu naman ng libro na kanyang ini-akda, ayon kay Duterte ay layunin nito na mahikayat ang mga bata na mahalin ang pagbabasa at sumulat ng sarili nilang mga kwento pero ang problema ay pilit itong iniuugnay sa 2028 elections.

Samantala, nanindigan naman VP Sara na totoo ang planong impeachment sa kanya sa Kamara pero tumanggi syang pangalanan ang mga nagbigay sa kanya ng impormasyon.

Sa isyu ng confidential funds, inihayag ni Duterte na naisumite na nila ang sagot hinggil dito at patuloy silang nakikipagtulungan sa Commission on Audit sabay giit na nagamit ng OVP ng tama ang mga pondo nito.

Binanggit din ni VP Sara na hindi ang kanyang tanggapan ang nagtakda ng bilang ng kanyang security personnel at sa ngayon ay wala ng nakatalaga sa kanya na tauhan ng Philippine National Police.

Facebook Comments