
Tumanggi si Vice President Sara Duterte na magbigay ng payo sa administrasyon Marcos kaugnay ng mga katiwalian sa government projects.
Sa ambush interview sa The Hague, The Netherlands, sinabi ni VP Sara na batid naman niyang palabas lamang ng Marcos administration ang sinasabing imbestigasyon sa flood control projects ng pamahalaan.
Ito ay lalo na’t hindi lamang aniya ang flood control projects ang nababalot ng katiwalian.
Iginiit din ni VP Sara na wala nang aasahan ang publiko sa kasalukuyang administrasyon.
Facebook Comments









