VP Sara, wala ng dahilan para hindi makadalo sa pagdinig ukol sa paggastos ng pondo ng kanyang tanggapan

Kung may oras si Vice President Sara Duterte para magtungo sa hearing ng House Quad Committee kahapon para “mag-miron” sa pagharap ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ay wala na itong dahilan para hindi makadalo sa hearing ng House Committee on Good Government and Public Accountability.

Sinabi ito ni House Deputy Minority Leader at Act Teachers Party-list Representative France Castro matapos na personal na tanggapin ni VP Sara ang imbitasyon ng komite na dumalo sa hearing nito sa November 20.

Ayon kay Castro, dapat tularan ni VP Sara ang kanyang ama na sa wakas ay humarap na sa pagdinig ng House Quad Committee matapos ang ilang ulit na imbitasyon dito.


Giit ni Castro, dapat sagutin ni VP Sara ng buong katotohanan ang mga tanong sa pagdinig ng House Blue Ribbon Committee ukol sa paggastos sa pondo lalo na ng confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education (DepEd) sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Facebook Comments