VP Sara, walang narinig na paninisi mula kay FPRRD sa pakikipag-alyansa nito kay PBBM

Walang ano pang paninisi na ginawa ang dating Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Sara Duterte sa pakikipag-alyansa nito noon kay Pangulong Bongbong Marcos.

Ayon kay VP Sara, sinanay sila ng dating pangulo na gumawa ng desisyon para sa kanilang mga sarili.

Sa kabilang dako, hindi naman sinisisi ng pangalawang pangulo ang kanya ama sa pagtakbo nito noon sa pagka-pangulo.


Samantala, kinumpirma ni VP Sara na hindi pa rin buo ang legal team ng dating pangulo.

May mga hinihintay rin aniya siyang legal documents kaya hindi pa siya makauwi ng Pilipinas.

Facebook Comments