VP Spokesperson, nakiisa sa online community sa pagkondena sa pagpaslang sa mag-ina sa Tarlac

“Ito na ang ating reyalidad”

Ito ang reaksyon ng tagapagsalita ni Vice President Leni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez sa harap ng mga nanggagalaiting publiko hinggil sa brutal na pagpatay sa mag-ina sa Tarlac.

Si Gutierrez na nakatira sa bayan ng Paniqui, ay mariing kinokondena ang pagpaslang ni Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca kina Sonya Gregorio at anak nitong si Frank.


Sa Twitter post, sinabi ni Gutierrez na nagulat siya na mapanood ang tila “brazen, cold-blooded murder” sa kanyang komunidad.

Aniya, ang mga ganitong pagpatay ay nangyayari na sa lahat ng komunidad sa nakalipas na apat na taon.

Ginamit din ni Gutierrez ang hashtags #StopTheKillingsPH na isa sa mga nag-trending topics sa social media.

Facebook Comments