Vsayas Grid, muling ilalagay sa red alert ngayong gabi

Manila, Philippines – Muling ilalagay sa red alert ang Visayas Grid simula alas 6 ngayong gabi, ibig sabihin, malaki parin ang kakulangan ng supply ng kuryente sa lugar.

Base sa advisory na inilabas ng National Grid Corporation of the Philippines, ilalagay sa red alert ang Visayas grid dahil sa generation deficiency na resulta ng mga naapektuhang geothermal plant sa lugar bunsod ng lindol.

Sa kasalukuyan, inaayos na ng NGCP ng mga naapektuhang converter station sa Ormoc para makakuha ng supply ng kuryente mula dito sa Luzon.


Tatagal ang red alert sa Visayas hanggang alas 9 ng gabi mamaya.

Pinapayuhan ng mga maaapektuhan na makipagugnayan sa kanilang Local Distribution Utilities para sa iba pang impormasyon dahil posible anilang magkaroon ng rotational brownout.

Facebook Comments