Binigyang prayoridad ang mga kabilang sa vulnerable sectors sa isinagawang PhilSys ID registration sa bayan ng San Fabian, Pangasinan.
Isinagawa ang tatlong araw na registration bilang bahagi ng patuloy na pagpapalawak ng pamahalaan sa pagpapatala para sa National ID System.
Layunin ng aktibidad na mairehistro, unang-una, ang mga pensioner upang matiyak na makakakuha sila ng National ID na magsisilbing pangunahing requirement sa pagproseso at pagkuha ng kanilang pensyon at iba pang benepisyo mula sa pamahalaan.
Kabilang rin sa mga binigyang prayoridad ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program at mga senior citizen, lalo na ang mga may edad na at may karamdaman, upang matiyak na hindi sila mapag-iwanan sa pag-access ng mga serbisyo ng pamahalaan.
Pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development Office sa pakikipag-ugnayan sa 4Ps at Office of the Senior Citizens Affairs ang aktibidad para sa sistematikong proseso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










