Vlogger sa Cebu, kinasuhan dahil sa pagpapakalat ng fake news

Sinampahan ng kasong kriminal ng Police Regional Office (PRO) 7 ang isang vlogger na nakilala sa alyas “Jaissle” matapos mag-viral ang video ng suntukan sa loob ng bus na pinalabas umano bilang insidente ng snatching.

Ayon kay PRO-7 Director PBGen. Redrico Maranan, unang kumalat ang naturang video noong Hulyo matapos i-share sa social media ng isang himpilan ng radyo.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumabas na ang insidente ay isang personal na alitan at hindi snatching na naganap pa noong May 8 sa Yati, Liloan.

Dahil dito, nagsampa ng reklamo ang pulisya sa Cebu City Prosecutor’s Office laban sa vlogger dahil sa pagdudulot ng takot at pangamba sa publiko.

Kasunod nito, nagbabala ang Pambansang Pulisya na may karampatang parusa sa sinumang magpapakalat ng maling impormasyon sa social media.

Hinimok din ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na maging mapanuri at responsable sa pagbabahagi ng balita upang makaiwas sa fake news.

Facebook Comments