Nilinaw ni Jimmy Isidro, Executive Staff ng Mandaluyong City na hindi ni-lockdown ang Wack-Wack Golf and Country Club ng Mandaluyong City.
Ito’y matapos magpositibo sa Coronavirus Diseases 2019 o COVID-19 ang isang foreigner na guest nito.
Ayon kay Isidro, isasara ng dalawa hanggang tatlong araw para i-disinfect at i-sanitize ito, aniya, business as usual pa rin sa nasabing Golf and Country Club pagkatapos ng voluntary cleaning upang maiwasan na kumalat pa ang virus.
Ayon kay Wack-Wack President Lawrence Tan, bisita ng isang meyembro ng Wack-Wack Golf and Country Club ang nasabing foreigner.
Aniya, pumasok sa nasabing golf and country club ang kanilang miyembro at ang foreigner noong March 2 at nalaman na nagpositibo ito sa nasabing virus ng pabalik na ito sa Singapore noong March 3.
Kasalukuyan na, aniya, na sumasailalim sa self-quarantine ang nasabing foreigner.