WAG BAHIRAN | Usapin ng Dengvaxia, huwag haluan ng politika – dating kalihim ng DOH

Manila, Philippines – Naniniwala si dating Department of Health (DOH) Secretary Esperanza Cabral na dapat huwag haluan ng pulitika ang kontrobersiyal na usapin ng Dengvaxia.

Sa ginanap na Forum sa Manila hotel, sinabi ni Cabral na dapat iisang layunin lamang ang ipaprayoridad mg DOH ang mapabuti ang publiko at iginiit nito na huwag haluan ng pulitika ang mga isyu na may kinalaman sa kalusugan.

Paliwanag ng dating kalihim ng DOH na katunayan na kapakanan ng publiko ang kanilang prayoridad na mga dating opisyal ng DOH dahil 343 na mga doktor ang pumirma at apat dito ay dating kalihim ng DOH na sumang-ayon na hindi dapat isakripisyo ang kalusugan ng mga kabataan sa isyu may kinalaman sa Dengvaxia.


Giit ni Cabral na wala siyang kinakampihan na mga pinuno at dating ng pamahalaan, dahil ang kanilang ipinupunto lang ay dapat na tutukan ng gobyerno ang kalusugan ng mga kabataan.

Dagdag pa ng kalihim dapat ay kumpletuhin ang tatlong dosage ng pagbabakuna para hindi makompromiso ang ang kalusugan ng mga kabataang nabakunahan.

Nilinaw ni Cabral na makikita na ang maximum protection ng pagbabakuna pagkatapos ng tatlong bakuna pero 60 percent lamang umano ang mararamdaman ng mga batang nabakunahan at hindi 100 porsyento.

Facebook Comments