Manila, Philippines – Umapela si Senate President Tito Sotto III sa media at sa mamamayan Pilipino na huwag na lang basta lunukin o paniwalaan ang mga inihahayag na kamalasan o masamang kakahantungan ng pakikipag kaibigan ng Pilipinas sa China.
Paliwanag ni Sotto, walang bansa ang nais na pumasok sa digmaan kaya ginagawa ng gobyerno natin ngayon ang lahat para hindi natin ito sapitin.
Diin ni Senator Sotto, si Pangulong Rodrigo Duterte ang arkitekto ng ating foreign policy na hindi na ngayon naka sentro lang sa Estados Unidos.
Ipinaalala pa ni Sotto na dahil sa sobrang pakikipagkaibigan natin sa Amerika noon ay naging target tayo ng Japan sa Second World War kung saan halos isang milyon ang namatay.
Sa bakuran aniya natin nag-away ang hapon at Amerika kaya ng binomba ng US ang Pearl Harbor ay binomba naman ng mga hapon ang Clark.
Ayon kay Sotto, sa ngayon ay target ng pilipinas na makipag kaibigan sa lahat ng bansa at hindi sa US lamang.