WAG DAPAT IPRAYORIDAD | Divorce Bill, labag sa konstitusyon

Manila, Philippines – Naniniwala si Senator Richard Gordon na labag sa
ating konstitusyon ang panukalang diborsyo na ipinasa na sa Kamara.

Diin ni Gordon, hindi dapat iprayoridad ang Divorce Bill dahil maliwanag
ang nakasaad sa ating saligang batas na ang pag-aasawa ay isang institusyon
sa ating lipunan na dapat protektahan ng pamahalaan.

Bunsod nito ay iginiit ni Gordon na dapat sikapin ng bawat isa na maging
maayos ang takbo ng kanilang pag-aasawa.


Sa kabila nito ay umaasa si Senator Gordon na makakahanap tayo ng paraan
para mabigyan ng pagkakataon na makalaya sa isat isa ang ang mag-asawa na
hindi na talaga magkasundo, sinasaktan na ang isat isat at ang problema
nila ay nakakasama na para sa kanilang mga anak.

Sa ngayon, ay annulment pa rin ang nakikitang solusyon ni Senator Gordon
pero dapat aniya ay may seryosong mga dahilan para ipawalang bisa ang kasal
ng dalawang tao na nagmamahalan at nagpasyang magpakasal.

Facebook Comments