Manila, Philippines – Para kay Senator Leila de Lima, hindi dapat ipagmalaki ng palasyo ang muling paghalal sa Pilipinas para maging miyembro ng United Nations Human Rights Council o UNHRC.
Ayon kay de Lima, isang kaipokritahan at kabalintunaan na ipinagmamalaki ng administrasyon ang pagiging bahagi ng UNHRC gayong umaabot na sa mahigit 22,000 umano ang namamatay sa gera nito kontra iligal na droga.
Diin ni de Lima ang UNHRC ay itinatag para isulong at proteksyunan ang karapatang pantao sa buong mundo.
Naniniwala si de Lima, na magaling ang naging pangangampanya ng Pilipinas sa mga miyembro ng UNHRC kaya tayo muling nakakuha ng pwesto.
Pero giit ni de Lima, hindi nito mabubura ang record ng administrasyong Duterte pagdating sa paglabag sa karapatang pantao.