WAG IKABAHALA | 6.4 inflation rate, hindi dapat ipangamba – Malacañang

Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na ginagawa ng gobyerno ang lahat para mapanatiling mababa at stable ang presyo ng pangunahing bilihin sa bansa.

Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap narin ng 6.4% inflation rate noong buwan ng Agosto na pinaka mataas sa loob ng 9 na taon.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, gumagawa na ng mga hakbang ang pamahalaan para mapababa ang presyo ng mga pangunahing bilihin at makatulong sa mga mahihirap nating mga kababayan.


Paliwanag ni Roque, nagangkat na ang pamahalaan ng diesel para mapababa ang presyo nito sa merkado at nagangkat narin aniya ang pamahalaan ng karagdaga g supply ng Bigas para makontra ang mataas na presyo ng commercial rice sa mga pamilihan.

Binigyang diin ni Roque na walang dapat ipangamba ang publiko sa Inflation rate dahil epekto ito ng dami ng pera na umiikot sa ekonomiya ng bansa at normal naman itong nangyayari sa anomang bansa sa buong mundo.

Facebook Comments