Manila, Philippines – 0.4 % lamang ang ambag ng Train law sa nararamdamang inflation rate ngayon sa bansa. Dahil dito,
Ayon kay Finance Assistance Secretary at Spokesperson Paula Alvarez, hindi dapat isisi lahat sa TRAIN law ang pag taas ng presyo ng mga bilihin.
Ayon kay Alvarez, dapat ding ikonsidera ang ibang aspeto na nakakaambag sa pag taas ng presyo ng mga bilihin, tulad ng pag taas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, pagbaba ng value ng piso at pagtaas ng demand ng dollars.
Ayon kay Alvarez, normal na kada taon ay nagkakaroon ng pag taas sa presyo ng mga bilihin. Senyales lamang aniya ito ng lumalagong ekonomiya. At mula nang ipatupad ang TRAIN law, naging moderate pa aniya ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa merkado.
Sa kabuuan, mas malaki pa rin aniya ang ibinigay ng Train law sa mga pilipino kaysa sa kinukuha nito sa buwis.