WAG KWESTYUNIN | Pagbalik ni CJ Sereno sa trabaho, idinepensa ni Senator Pangilinan

Manila, Philippines – Iginiit Senator Francis “Kiko” Pangilinan na hindi ilegal at hindi dapat kwestyunin ang pagbalik sa trabaho ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno simula kahapon.

Diin ni Pangilinan, kahit nag-leave ay si Sereno pa rin punong mahistrado ng Korte Suprema hanggang sa ngayon.

Paliwanag ni Pangilinan walang nakasaad na specific period kung hanggang kailan ang leave ng punong mahistrado kaya anumang oras ay maaari itong bumalik trabaho.


Dagdag pa ni Pangilinan, wala namang plano si Sereno na lumahok sa magiging deliberasyon para pagpasyahan ang quo warranto petition laban sa kanya.

Facebook Comments