WAG MAGSISIHAN | Lapeña at Aquino – pinayuhan ni PDuterte na tigilan na ang sisihan

Manila, Philippines – Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Customs Commissioner Isidro Lapeña at PDEA Director Aaron Aquino na tigilan na ang sisihan.

Kaugnay ito ng isyu ng umano ay nakalusot na p6.8-bilyong halaga ng shabu sa BOC na isinilid sa mga magnetic lifter.

Sa halip aniya na magturuan, dapat ay nagtutulungan na lang sina Lapeña at Aquino na mahuli kung sino ang nasa likod ng nakalusot na shabu.


Matatandaang ilang beses na iginiit ni Lapeña na walang lamang droga ang mga magnetic lifters na nadiskubre sa GMA, Cavite, taliwas naman sa paninindigan ni Aquino na may laman itong shabu.

Facebook Comments