Manila, Philippines – Tumanggi ang Palasyo ng Malacañang na manisi ngayon sa issue ng trahedyang nangyari sa Itogon Benguet matapos ang landslide sa Mining site kung saan mahigit 60 na ang kumpirmadong patay at mahigit 40 naman ang hanggang sa ngayon ay pinaghahanap.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, hindi ito ang tamang panahon para magsisihan at maghanap ng legal liability.
Paliwanag ni Roque, dapat ngayon ay nakatutok ang Pamahalaan sa nagpapatuloy na search and rescue at retrieval operations.
Pero sinabi ni Roque, kung tungkol sa legalidad ay dapat unang magsalita dito ang Department of Environment and Natural Resources o DENR.
Facebook Comments