Manila, Philippines – Pinatutsadahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si United Nations Special Rapporteur Diego Garcia-Sayan dahil sa pangingialam nito sa panloob na usapin ng bansa.
Ayon kay Duterte – hindi niya kinikilala ang pagiging Rapporteur ni Garcia-Sayan at sinabihang huwang manghimasok sa mga internal affairs ng Pilipinas.
Una nang nagpahayag ng pagkabahala si garcia-sayan sa mga banta ni Pangulong Rodrigo Duterte laban kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Sa statement na inilabas ng UN Rapporteur sa Geneva, Switzerland, nagdudulot ng takot sa mga mahistrado at iba ang miyembro ng hudikatura ang mga pahayag ni Duterte kay Sereno.
Giit naman ng Malacañan, mali ang pagkakaunawa ni Garcia-Sayan.
Facebook Comments