Manila, Philippines – Naniniwala ang Palasyo ng Malacañang na walang dapat ikabahala ang publiko sa balitang umabot sa 5.2% ang naitalang Inflation Rate noong nakaraang Buwan base narin sa inilabas na datos ng Philippine Statistics Authority.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, matagal na nilang naipaliwanag ito, maraming pera na umiikot sa bansa na magreresulta sa inflation.
Sinabi ni Roque, maraming pera dahil libre na ang tuition sa tertiary education sa mga pampublikong paaralan at mayroong magmumula sa mga hindi na nagbabayad ng income tax.
Isa din aniyang dahilan ay ang Economic Activity na dulot ng build build build.
Paliwanag pa ni Roque, pasok naman ito sa historical amounts mas mataas kaysa sa karaniwan pero hindi dapat ikabahala.