WAG MANGAMBA | Grupo umano ng ISIS na nagpapakilalang kabilang sa faculty of medicine, pananakot lang – PNP

Manila, Philippines – Pinawi ng Philippine National Police (PNP) ang pangamba ng publiko hinggil sa kumakalat na post sa social media na umanoy grupo ng ISIS na nagpapakilalang kabilang sa faculty of medicne na nagba bahay bahay ngayon para kumuha ng blood sample.

Sa text message na ipinadala ni PNP spokesperson PCSupt. Jhon Bulalacao, sinabi nito na hoax o hindi totoo ang kumakalat na chain message partikular na sa facebook.

Scripted rin aniya ang nasabing mensahe na pawang pananakot lamang ang intensyon.


Nakasaad sa chain message na galing pa di umano sa intelligence ng Pangulo na pinag iingat ang publiko sa mga hindi kakilalang tao na magtutungo sa mga bahay na magpapakilala na galing sa faculty of medicine at kukuhanan kayo ng blood sample.

Pipilitin aniya kayo ng grupo na magpakuha ng blood sample para ma check ang blood sugar niyo.

Nakasaad rin sa mensahe na kontaminado raw ng sakit na AIDS ang karayom na gagamitin ng mga umanoy miyembro ng teroristang ISIS.

Nakikiusap naman si Bulalacao sa publiko na huwag ng ipakalat ang chain message na ito dahil sa magbibigay lamang ito ng takot sa publiko.

Facebook Comments