WAG MANGAMBA | Malacañang, pinawi ang pangamba ng publiko sa mas pinalakas na oplan tokhang

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na walang dapat ikabahala ang Publiko sa naging pahayag ni Philippine National Police Chief Director General Oscar Albayalde na magkakaroon ng recalibrated na oplan tokhang ang PNP.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, hindi dapat mabahala ang publiko lalo na ang mga sumusunod sa batas sa pinaigting at chilling na kampanya ng administrasyon laban sa iligal na droga.

Ang mga dapat lang aniyang matakot ay ang mga taong sangkot sa operasyon ng iligal na droga dahil ang PNP naman aniya ay tiyak na susunod sa mga itinakda ng batas o ang Rule of Law.


Matatandaan na sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address na magpapatuloy at mas palalakasin pa ng Pamahalaan ang kampanya nito laban sa iligal na droga.

Facebook Comments