WAG MANGAMBA | National Security Adviser Esperon, tiwalang kontrolado pa rin ang sitwasyon sa Mindanao sa kabila ng banta ng foreign terrorist

Manila, Philippines – Nilinaw ni National Security Adviser Hermogenes “Jun” Esperon Jr. na kontrolado pa rin ng AFP ang Mindanao sa kabila ng napaulat na mayroon umanong foreign terrorist sa naturang lalawigan.

Sa ginanap na Forum sa Kapihan sa Manila Bay, iginiit ni Esperon na nagpakalat na sila ng mga karagdagang mga Intel ng Militar at Pulisya para matukoy o maberipika kung positibong ngang namamayagpag ang mga foreign terrorist o ISIS sa Mindanao.

Aminado ang opisyal na mayroon pa rin banta sa seguridad ng bansa hinggil sa kampanya ni Pangulong Duterte kontra iligal na droga pero hindi umano titigil ang gobyerno dahil tuloy tuloy pa rin ang giyera sa iligal na droga hanggang sa matapos ang termino ng Pangulo.


Paliwanag ni Esperon, sa kabila ng mga banta ng seguridad sa bansa ay lumalakas pa rin ang Gross Domestic Product ng Duterte Administration na pumalo ng 6.9 percent sa kabila ng Marawi incident na nangyari sa Pilipinas kung saan patunay itong marami pa rin ang mga negosyanteng naniniwala sa gobyerno.
<#m_1533515700050222908_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments