Manila, Philippines – Ngayong nagbabanta na ang Bagyong Vinta, nanawagan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga residente sa mga landslide flood-prone areas na huwag nang pairalin ang katigasan ng ulo.
Ang panawagan ay ginawa ni DENR Secretary Roy Cimatu kasunod ng hindi pa rin pagsunod ng ilang residente sa mga emergency alert ng gobyerno sa panahon na mayroong severe weather conditions.
Maaalalang maraming higit dalawampu ang namatay sa Biliran dahil sa landslide sa pananalasa ng Bagyong Urduja.
Pinayuhan ni Cimatu ang publiko na ugaliing makinig sa latest weather bulleting ng PAGASA lalo nat mabilis na magbago ang galaw at tinatahak na direksyon ng mga bagyo.
Mahalaga na maagap na makapaghanda ang publiko sa halip na mabigla sa sitwasyon ang mga residente sa mga danger zones.
‘WAG MATIGAS ANG ULO! | DENR, nanawagan sa publiko ngayong may bagyo
Facebook Comments