WAG NANG PALAKIHIN | Pagtatayo ng casino sa Boracay, huwag gawing isyu – Speaker Alvarez

Manila, Philippines – Dinepensahan ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang planong pagtatayo ng Hotel Casino sa Boracay sa kabila ng pagsasara sa isla para sa pagsasagawa ng clean-up dito.

Ayon kay Alvarez, wala namang problema kung magtayo ng Casino sa nasabing isla.

Aniya, tourist zone ang Boracay at kung may casino sa ibang lugar tulad sa Manila ay pwede rin naman din itong itayo sa ibang lugar sa bansa.


Giit nito, huwag gawing isyu ang pagtatayo ng casino sa Boracay dahil ang problema doon ay ang mga lumalabag sa sanitation na sumisira ngayon sa karagatan ng isla.

Paliwanag pa ni Alvarez, kung susundin naman ng pamunuan ng itatayong hotel casino ang batas sa proper waste management at sanitation ay wala namang magiging problema dito.

Facebook Comments