WAG NANG PUMALAG | P-Duterte, nagbabala sa mga kokontra sa planong rehabilitasyon ng Boracay

Manila, Philippines – Hindi lang ang Boracay ang nanganganib na ipasara ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang planong pagdedeklara ng state of calamity sa Boracay ay dapat na maging babala sa iba pang tourist destination.

Aniya, dapat tiyakin ng mga Local Government Unit (LGU) na hindi lumalabag sa mga environmental laws ang mga nakatayong establisyimento sa kanilang lugar.


Kasabay nito, nagbabala rin si Roque sa mga local government officials na umaksyon na para na rin makaiwas sa kasong administratibo o kasong kriminal.

Facebook Comments