WAG PANGUNAHAN | AFP, nanawagan sa publiko na huwag pangunahan ang imbestigasyon sa Lamitan Blast

Muling nanawagan ang Armed Forces of the Phlippines sa publiko na huwag magpadala sa mga negatibong espekulasyon bunsod ng naganap na pagsabog sa Lamitan, Basilan noong Martes.

Ayon kay Col. Edgard Arevalo, tagapagsalita ng AFP, hindi kasi nakakatulong mga mga kumakalat na haka-haka sa naganap na karahasan kung saan sampung katao ang nasawi habang siyam naman ang nasugatan.

Sabi pa ni Arevalo hintayin na lamang ang magiging resulta ng ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.


Panawagan pa nito sa publiko, huwag pangunahan ang isinasagawang imbestigasyon dahil lalo lamang magkakalituhan at madaragdagan ang pangamba ng mga mamamayan.

Paniniyak ni Arevalo, agad naman ilalabas ang magiging resulta ng imbestigasyon sa lalong madaling panahon.

Facebook Comments