WAG PIGILAN | Guevarra, may instruction na sa BI sakaling matuloy bukas ang paglabas sa bansa ni Trillanes

Manila, Philippines – May instruction na si Justice Sec. Menardo Guevarra sa Bureau of Immigration sakaling matuloy bukas ang paglabas ng bansa ni Sen. Antonio Trillanes.

Ayon kay Guevarra, inabisuhan niya ang BI na huwag pipigilang lumabas ng bansa si Trillanes kapag walang hold departure order na inilabas ang korte.

Ipinauubaya niya na rin aniya sa Davao RTC kung pagbibigyan nito sakaling humingi ng permiso si Trillanes para makabiyahe abroad.


Sinabi pa ni Guevarra na nakadepende sa Davao RTC kung maglalabas ito ng Hold Departure Order para pigilan ang pagbyahe sa abroad ni Trillanes.

Idinagdag ng kalihim na bilang bahagi ng due process, una nang binigyan ng Korte si Trillanes ng 5 araw para maghain ng komento kaugnay sa kung bakit dapat syang makalabas ng bansa.

Facebook Comments