
Binigyang diin ng Palasyo ng Malacañang na hindi ang Pamahalaan ang may-kasalanan kung bakit hindi natuloy ang formal peace talks sa pagitan ng Communist Party of the Philippines, New Peoples Army, National Democratic Front o CPP, NPA, NDF.
Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap ng naging pahayag ng ilang makakaliwang grupo na hindi sana mangyayari ang misencounter sa pagitan ng Militar at Pulis kung saan 6 na pulis ang nasawi kung natuloy ang usapang pangkapayapaan.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, si CPP Founding Chairman Joma Sison ang umatras sa peace talks at hindi ang Pamahalaan.
sinabi ni Roque, marami na ang pabor na ibinigay si Pangulong Rodrigo Duterte dito at sa rebeldeng grupo tulad ng pagbibigay ng garantiya kay Sison na hindi ito aarestuhin, pinawalan ang 6 na matataaas na matataas na lider ng rebeldeng grupo para sa peace talks.
kaunti lang naman aniya ang hiniling ni Pangulong Duterte mula sa mga ito at kabilang dito ang pagtigil sa pangongolekta ng revolutionary tax at gobyerno pa aniya ang magbibigay ng pangangailangan ng CPP-NPA habang naguusap ng kapayapaan.









