Nanawagan ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga kompanya na tugunan din ang tinatawag na ‘wage distortion’ kasunod ng ₱35 na umento sa sahod.
Ang wage distortion ay nangyayari kapag ang kasalukuyang wage structures o rates ng mga empleyado ng isang kompanya ay lumiit dahil sa ipinatupad na dagdag sahod sa mga nasa entry level.
Sa pre-SONA briefing, sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na responsibilidad ng mga employer na panatilihing resonable ang puwang ng sweldo sa pagitan ng mga level minimum wage at sa mga susunod na level.
Importante aniya ma-i-adjust ito ng employer para hindi bumaba at magkaroon ng puwang sa mga morale ng kanilang empleyado lalo na sa mga matagal nang nagtatrabaho sa kompanya.
Dagdag ni Laguesma, kung hindi magkasundo ang employer at manggagawa ay pwede silang sumulat sa DOLE para maayos itong mapag-usapan at matugunan ang wage distortion.