Tiwala si Senate Committee on Labor Chairperson Senator Jinggoy Estrada na makakatulong sa pagpapababa ng poverty incidence rate sa bansa ang dagdag na P100 sa sahod ng minimum wage earners.
Ito ay dahil kapag naipasa ang dagdag na P100 sa arawang sahod sa private sector, tataas ang purchasing power ng mga manggagawa na magpapasigla sa aktibidad ng ekonomiya at makakapagambag sa ating national growth.
Samantala, sinabi naman ni Senator Christopher “Bong” Go na hindi dagdag na pampabigat sa employers ang wage increase kundi ito ay pagbalanse lamang at pagkilala sa karapatan at kapakanan sa lahat ng mga nasa sektor ng paggawa.
Facebook Comments