Wage hike, dapat ibase sa inflation – DTI Sec. Ramon Lopez

Manila, Philippines – Naniniwala si Trade Secretary Ramon Lopez na dapat nang ibase sa inflation ang pagbibigay ng umento sa sahod sa mga manggagawa.

Ayon kay Lopez, ito ay para masiguro na walang negatibong epekto sa ekonomiya ang pagtatas ng sweldo ng mga manggagawa.

Pero ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) pa rin aniya ang bahala na mag-takda kung magkano ang idadagdag sa sweldo ng mga mangagawa.


Paliwanag ni Lopez, kailangang maging kalkulado ang pagtaas ng sweldo ng mga mangagawa dahil magkakaroon ito ng epekto sa presyo ng mga produkto at ng buong ekonomiya ng bansa.

Facebook Comments