Manila, Philippines – Hindi isinaalang-alang ng DOLE at wage board ang kahirapan ng mga manggagawa sa ibinigay ng kakarampot na umento sa sahod.
Ayon sa buklurang ng manggagawang Pilipino, ang P25 wage order para sa mga manggagawa sa Metro Manila ay hindi patas at hindi makatwiran.
Ang order anila ng NCR wage board, na lantarang sinuportahan ni DOLE Secretary Bello ay hindi man lang nakatulong para maiangat ang minimum na sahod para makahulagpos sa antas ng kagutuman ang maliliit na manggagawa.
Mangangahulugan din ito para sa apat na milyong pamilya ng mga manggagawa, na maghintay muli ng isa pang taon para sa susunod na kahilingang umento sa sahod.
Dahil sa kakarampot na umento sa sahod, inanunsyo na ng labor group na magsasagawa sila ng mga protest actions sa mga susunod na linggo para isulong ang pagpapatupad ng price control sa mga bilihin sa panahon ng yuletide season.