WAGE INCREASE | ALU-TUCP, nagbabala sa malawakang kaguluhan

Manila, Philippines – Kasabay ng pag-anunsyo sa araw na ito ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa opisyal na dagdag pasahod, nagbabala ang Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) sa malawakang strike at picket sa mga industriya.

Ito ay sa sandaling katigan ng DOLE ang unang pinalutang na P25 daily minimum wage hike ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP).

Ayon kay ALU-TUCP Vice President Louie Corral, kung hindi ito iwawasto ng gobyerno, kagutuman ang kasunod nito at itutulak ang hanay ng paggawa na magwala.


Sinabi pa ni Corral na may mga nakaamba pang mga kaganapan na malamang na magpapatindi sa kahirapan.

Asahan aniya na iigting ang komprontasyon ng mga unyon sa mga nagpapatakbo ng malaking industriya kapag nagkamali ng desisyon ang gobyerno.

Susugod naman mamaya sa harap ng punong tanggapan ng DOLE ang iba’t-ibang labor groups kasabay ng inaantabayanang desisyon sa wage adjustment sa NCR.

Facebook Comments