Pinag-aaralan na rin ng Associated Labor Unions – Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) ang posibleng paghahain ng karagdagang petisyon para magpatupad ng wage increase sa iba’t-ibang rehiyon.
Paliwanag ni ALU-TUCP spokesperson Alan Tanjusay – kahit nauna nang nagtaas ng sahod ang ilang regional wage boards, hindi pa rin ito sapat para tugunan ang tumaas na presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.
Aniya – ibabase nila ang hihiling umento sa sahod sa umiiral na inflation rate sa bawat rehiyon.
Batay sa datos ng labor department – NCR, Cagayan Region at Mimaropa na lang ang hindi pa nagpapataw ng minimum wage increase mula sa kanilang huling taas-sahod noong nakaraang taon.
Samantala, ngayong araw nakatakdang isumite ng ALU-TUCP sa NCR wage board ang amyenda sa kanilang petisyon na dagdag-sahod.
Mula sa hirit na P320 noong Hulyo, itinaas ito ng grupo sa P344 dahil na rin sa epekto ng inflation rate at kaa-apruba lang na taas-pasahe sa mga bus at jeep.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>