Wage Recovery Act, suportado ng National Anti-Poverty Commission

Suportado ng National Anti-Poverty Commission-Formal Labor and Migrant Workers Sectoral Council ang House Bill 7178 o ang Wage Recovery Act.

Sinabi ng grupo na patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin kaya nahihirapan ang mga manggagawang itaguyod ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Mahalaga anila ang panukalang batas para matulungan silang makabangon at magkaroon ng sapat na sahod.


Nanawagan ang konseho sa Kamara na agarang ipasa ang Wage Recovery Act naniniwala silang malaki ang maitutulong nito para masolusyunan ang lumalaking agwat sa pagitan ng sahod at gastusin ng mga manggagawa.

Matatandaang noong March 2023, nagpahayag ang konseho ng suporta para sa panukalang dagdag-sahod na P150 kada araw sa buong bansa. Iginiit nilang hindi nagbago ang kanilang posisyon hinggil sa isyung ito.

Facebook Comments