Iginiit ni Gabriela Party-list Representative Arlene Brosas sa pamahalaan na balikatin ang umento sa sahod para sa mga manggagawa wa pribadong sektor.
Ito ang nakikitang solusyon ni Brosas sa argumento na tatamaan ng increase sa sweldo ang mga maliliit na negosyate o ang nabibilang sa hanay ng micro, small and medium enterprises o MSMEs.
Ayon kay Brosas, kailangang ayusin ang alokasyon sa General Appropriations Act upang maglaan ng wage subsidy para sa MSMEs na maaapektuhan ng taas-sahod habang ang mga malalaking korporasyon naman ay mayroon kakayahang magbigay ng dagdag sahod sa kanilang mga emplyeado.
Giit ni Brosas ang wage subsidy ang titiyak na maipagkakaloob ang wage hike na makakayanan ng maliliit na negosyante.
Facebook Comments