Wage subsidy para sa mga minimum wage earners, iminungkahi ng DOLE

Kasunod nang patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo at epekto nito sa mga pangunahing bilihin, iminungkahi ng Department of Labor and Employment (DOLE) kay Pangulong Rodrigo Duterte na magpatupad ng wage increase para sa mga minimum wage earners.

Sa ulat ni Labor Asec. Dominque Tutay kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the people (TTTP) sinabi nitong mahalaga ang pagbibigay ng tulong sa mga manggagawa upang makaagapay sa mataas na bilihin.

Kabilang sa proposal ng DOLE sa punong ehekutibo ay ang wage subsidy para sa tinatayang 1 milyong minimum wage private sector workers sa loob ng 3 buwan o mula Abril hanggang Hunyo.


Facebook Comments