Wage subsidy program, planong ikasa ng DOLE

Plano ng Department of Labor and Employment (DOLE) na maglunsad ng wage subsidy program.

Ayon kay DOLE Asec. Dominique Rubia-Tutay, humiling na si Labor Secretary Silvestre Bello III sa Department of Budget and Management (DBM) ng karagdagang pondo para sa wage subsidy program na ipatutupad ngayong taon.

Aniya, wala kasing nakalaang pondo para sa wage subsidy sa kanilang P37.1 billion na alokasyon na nasa iallaim ng 2021 General Appropriations Act.


Sinabi ni Tutay na plano nilang ipatupad ang wage subsidy program sa loob ng tatlong buwan kung saan ang mga manggagawa ay tatanggap ng P7,000 hanggang P11,000, depende sa sektor na kanilang kinabibilangan.

Nasa P62 billion hanggang P188 billion ang kanilang hiniling na pondo para sa programa nasasaklaw sa 25 percent hanggang 75 percent ng average na buwang sahod ng mga manggagawang wala pa ring trabaho.

Una nang sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na nasa 1.6 milyong Pilipino ang hindi pa nakakabalik sa trabaho dahil sa pandemya.

Facebook Comments