WAGI | Ceres-Negros FC muling nagkampeon sa Philippines Football League

Tinalo ng Ceres-Negros FC ang Global Cebu, 6-1, sa Rizal Memorial Stadium para tanghaling back-to-back champion ng Philippines Football League.

Umiskor ng hat trick si Bienvenido Marañon, habang may tig-isang goal sina Omid Nazari, Mike Ott at Blake Powell para itaas ang puntos ng Ceres sa limampu’t apat sa loob ng dalawampu’t dalawang laro.

Dahil dito, hindi na sila maaabutan pa ng pumapangalawang Kaya-Iloilo FC kahit may tatlong laro pang natitira ang dalawang koponan.


Lamang kasi ng 21 points ang Ceres sa Kaya.

Bukod sa titulo, pasok na rin ang mga taga Negros sa Asian Football Confederation Champions League sa susunod na taon.

Facebook Comments