WAGI | Colegio de San Juan de Letran, panalo kontra Jose Rizal University sa 12th FilOil Flying V Pre-Season Cup

Manila, Philippines – Nakaresbak ang Colegio de San Juan de Letran nang talunin ang Jose Rizal University sa score na 94-71 sa 12th FilOil Flying V Pre-Season Cup.

Nagtulong sina JP Calvo at Bong Quinto para sa panalo ng Knights sa 3-2 rekord sa group b.

Bumawi ang Letran nang matalo sa Adamson University.


Nakapagtala si Calvo ng 18 puntos habang nagdagdag si Quinto ng 17 markers gayundin si Jerrick Balanza na may 11 points.

Nasayang naman ang 17 puntos ni Darius Estrella at pinagsamang 21 puntos nina Jed Mendoza at Karl Bordon para sa Jose Rizal.

Facebook Comments