Pasay City – Waging makuha ng Filipino fighter na si Kevin “The Silencer” Belingon ang titulong Interim Bantamweight Champion sa katatapos lamang na laban nito na ginanap sa Reign of Kings sa Mall of Asia Arena sa Pasay City, kagabi.
Unanimous ang naging desisyon sa tapatan ni Belingon kontra sa 2-division champion na si Martin Nguyen ng Australia.
Umabot sa limang rounds ang naging labanan nina Belingon at Nguyen, kung saan kinakitaan ito ng pagka agresibo sa bawat atake.
Matapos ang laban, nagsama sa Octagon sina Belingon at Brazilian fighter na si Bibiano Fernandez na tumalo sa kaniya, dalawa’t kalahating taon na ang nakakalipas.
Pinuri ni Fernandez ang Filipino fighter sa naging laban. Habang naniniwala naman si Belingon na handang- handa na siya upang makatapat sa rematch si Bibiano.