WAGI | Maria Sharapova, pasok na sa second round ng French open

Pasok na sa ikalawang round ng French open si Russian Tennis Star Maria Sharapova matapos talunin si Richel Hogenkamp ng Netherlands.

Nanalo si Sharapova sa score na 6-1, 4-6 at 6-3 kung saan ito ang unang pagsabak niya sa torneo matapos ang halos dalawang taon na hindi paglalaro dahil sa suspension ng magpositibo ito sa pinagbabawal na substance.

Nabatid na hindi kasi nakapaglaro si Sharapova noong 2016 dahil sa kaniyang suspension at noong 2017 ay bigo itong manalo sa wildcard ng nasabing torneo.


Facebook Comments