WAGI | Philippine Volcanoes kampeon sa Asian Rugby Championship

Laguna – Tinambakan ng Philippine Volcanoes ang Singapore, 38-12 para tanghaling kampeon ng Division 1 ng Asia Rugby Championship Division na ginanap kahapon sa Southern Plains Field sa Laguna.

Naging matikas ang depensa ng Volcanoes matapos hindi na maka-iscore ang mga bisita para muling mabawi ang korona sa second tier 15-a side tournament ng Asia.

Maagang nakuha ng Volcanoes ang abante sa laro matapos ang dalawang try, isang conversion at dalawang penalties para sa 18-12 na score.


Sa second half, nagdagdag pa ang Volcanoes ng 20 puntos para maitala ang dominanteng panalo.

Facebook Comments