WAGI | Rafael Nadal pasok na sa Semis ng Wimbledon; Federer binulaga ni Anderson

22

Bumangon sa 2 sets to one deficit si world number 1 Rafael Nadal para talunin si Juan Martin Del Potro para makapasok sa semifinals ng Wimbledon.

Wagi si Nadal sa score na 7-5, 6-7 (7), 4-6, 6-4, 6-4 laban sa kalaban niyang Argentinian para muling makapasok sa last four ng grandslam event.

Pasok din sa semis si John Isner na tinalo si Milos Raonic 6-7 (5), 7-6 (7), 6-4, 6-3.

Hindi naman pinalad si defending champion Roger Federer na natalo naman kay Kevin Anderson.

Naitala ng South African ang biggest comeback sa Wimbledon matapos  talunin ang 8-time champion 2-6, 6-7 (5), 7-5, 6-4, 13-11.

Facebook Comments