WAGI | Roger Federer, balik sa top 1 spot sa men’s tennis world rankings

Sports – Makalipas ang mahigit limang taon, muling nakuha ni Roger Federer ang number spot sa world rankings.

Nagawa ito ng Swiss Maestro matapos talunin si Robin Haase sa tatlong set sa Rotterdam Open sa the Netherlands.

Sa edad na 36 anyos, si Federer na ang pinakamatandang player sa kasaysayan ng ATP rankings na naging number 1.


Nalagpasan ni Federer sa top spot ang longtime rival at kaibigan nito na si Rafael Nadal sa top spot.

Hindi nakakapaglaro sa ngayon si Nadal dahil sa injury na natamo nito sa Australian Open.

Facebook Comments