WAGI SA FRIENDLY | Philippine Azkals, wagi kontra Fiji

Sports – Umiskor ng tig-isang goal sina Phil Young Husband, Hikaru Minegishi at Kevin Ingreso para pangunahan ang philippine azkals sa 3-2 panalo kontra Fiji kagabi sa Rizal Memorial Stadium.

Bahagi ng kanilang paghahanda sa kanilang huling laro sa 2019 Asian Cup Qualifiers unang umiskor sa 29th minute si Younghusband sa kaniyang penalty kick.

Sinundan ito ni Minegishi sa 51st minute bago ang strike ni Ingreso sa 64th minute para sa 3-0 na lamang.


Pero hindi pala tapos ang laban. Bumawi ang Fiji sa butas na depensa ng Azkals at sa foul ni goalkeeper Nick O’donell para makahabol ang mga bisita sa huling dalawampung minuto ng laro para sa final score.

Dahil dito hindi naging masaya sa naging laro ng Azkals si Team Manager Dan Palami.

Ayon kay Palami – dapat maayos ang mga pagkakamali ng azkals bago ang kanilang laban kontra Tajikistan sa Martes.

Facebook Comments